Maligayang pagdating sa CantoneseTools.org, ang aming koleksyon ng mga tool para matuto ng Kantones online!

Palagi kaming nagdaragdag ng mga bagong tool para matuto ng Kantones! Ilan sa aming pinakabagong mga tool ay ang mga tagalikha ng worksheet, pati na rin ang iba pang mga tool sa pag-aaral ng Kantones:

Pagkakasunud-sunod ng mga Istrok sa Kantones - Hanapin ang mga salitang Kantones at ipapakita ng tool ang isang animasyon ng pagkakasunud-sunod ng mga istrok. Maaari mo ring palitan ang kulay at bilis ng animasyon at tingnan ang resulta sa Jyutping.

Kantones tungong Jyutping - Ang tool na ito ay nagsasalin ng Kantones tungong Jyutping, na isa sa mga pangunahing romanisasyon ng Kantones. I-type ang tekstong Kantones (tradisyunal o pinapayak) at ipapakita ito ng tool sa Jyutping.

Malakas na pagbasa ng tekstong Kantones - Binabasa ng tool na ito ang tekstong Kantones para sa iyo. I-type lamang ang tekstong Tsino (tradisyunal o pinapayak) at ipaparinig sa iyo ng tool kung anong tunog ng teksto sa Kantones. Maaari ka ring mag-type ng mga salita gamit ang notasyong jyutping kung nais mong marinig ito nang malakas. 

Gawing mga numerong Arabe ang mga numerong Kantones - May kahirapan ang pag-aaral ng mga numerong Kantones. I-type sa numerong Kantones, at ipapakita ng tool na ito ang katumbas nito sa numerong Arabe. Maaari mo ring gawing numerong Kantones ang mga numerong Arabe (tulad ng 1, 2, 3) na may opsyon para i-displey ang jyutping para matulungan ka sa pagbigkas.

Gawing font ang Tekstong Kantones - Pumili ng font at mga kulay, at i-type ang iyong teksto. Gagawing imahe ng tool na ito ang iyong tekstong Kantones. Mainam itong tool para sa mga gustong i-print ang kanilang pangalan sa Kantones o sa mga may kompyuter na hindi kayang mag-displey ng Tsinong karakter.

Tekstong Kantones tungong Mandarin - Isinasalin ng tool na ito ang Kantones tungong Mandarin at ang kabaligtaran.

Tool sa Kantones tungong Unicode - Isinasalin ng tool na ito ang Kantones tungong Unicode, Unicode tungong Kantones, at Jyutping tungong Unicode.

Bilangin ang mga Kantones na Karakter - Alamin kung ilan ang mga Tsinong karakter o mga letrang Ingles ang mayroon sa iyong teksto.

 

Mga Kantones na worksheet tool:

Lumikha ng mga Paghanap ng Salita gamit ang Pagkakasunud-sunod ng mga Istrok sa Kantones - Ang bagong tool na ito ay lumilikha ng mga napakahirap na mga "paghanap ng salita" gamit ang pagkakasunud-sunod ng istrok sa Kantones. Ang mga paghanap ng salita ay maaaring pababa, pakanan at pahilis (pataas at pababa.) Kung ang isang karakter ay may 10 mga istrok, lalabas ito sa 10 mga parisukat. Maaari mong i-print ang isang "sagutang papel" na nakahighlight ang mga salita.

Lumikha ng mga Kantones na Worksheet - Mainam ang tool na ito sa paglikha ng mga worksheet para sa pagkakasunud-sunod ng istrok sa Kantones. Maaari mong dagdagan ng Jyutping, at mayroon pang ibang puwedeng palitan.

Lumikha ng mga Patlang sa mga Kantones na Pangungusap - Ang tool na ito ay ginagamit para sa paglikha ng mga worksheet na may mga patlang para punan ng sagot ng mga mag-aaral. Pindutin ang isang salita mula sa isang bahagi ng teksto, at ang salitang iyon ang ilalagay sa mga panaklaw na may puwang bago nito para sulatan ng sagot ng mga mag-aaral. Ang isang halimbawa sa Ingles ay katulad ng: Mahilig akong kumain ng ________(pagkain).

Isaayos ang mga Kantones na Pangungusap - Isinasaayos ng tool na ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap sa Kantones, para matuto ang mga mag-aaral nang tamang pagkakasunud-sunod ng mga salita. Maaari mong i-print ang isang "sagutang papel" kahit gaano pa karami, gayundin ang mga papel na walang sagot.

Tagalikha ng Kantones na Numerong Bingo Sheet - Lumikha ng mga bingo sheet sa pamamagitan ng pag-type ng mga numerong Arabe, at piliin ang sukat ng grid na nais. Ang mga numerong ito ay lalabas sa numerong Kantones sa mga bingo sheet. Maaari mong i-print ang isang "sagutang papel" kahit gaano pa karami, gayundin ang mga papel na walang sagot.

Tagalikha ng Random na Numerong Kantones na Bingo Sheet - Ang tool na ito ay katulad nang nasa itaas, ngunit hindi ito nangangailangan na mag-type ng tiyak na mga numero. Sa halip, i-type lamang ang isang hanay ng mga numerong nais mo (tulad ng 1-100) at ang mga bingo sheet are random na ibinibigay. Maaari mong i-print ang isang "sagutang papel" kahit gaano pa karami, gayundin ang mga papel na walang sagot.

Mga diskuwento sa pag-aaral ng Kantones - Ang pahinang ito ay may mga sulit na diskuwento para iba pang mga programa sa pag-aaral ng Kantones.

Iskrol ng Bagong Taon ng Tsino - Lumikha ng mga set ng 春聯 (3 mga banner) na maraming iba't ibang opsyon para sa kustomisasyon, kasama na ang pag-displey ng iyong teksto nang pakanan at/o pababa.

 

Ang iba pa naming mga website:

Mga Tool para matuto ng Mandarin

Mga Tool para matuto ng Ruso

Mga Tool para matuto ng Ingles

Mga Tool para matuto ng Vietnamese

Mga Tool para matuto ng Hapon

Mga Tool para matuto ng Koreano




Copyright

© 2012-2021 Shudian Ltd.|Privacy Policy & Terms of Use|Contact us

- All rights reserved.